Ano ang Mangyayari 'Pag Namatay Ka?
Pero ano ang nangyayari 'pag
namatay ang isang tao?
Ang pagkamatay ba basta tapos na
lang ang buhay mo? Yung katawan mo
magiging alabok, tapos yun na yun? Tapos
ang kwento?
O may mangyayari pa pagkatapos
mong mamatay?
Ano kaya kung nagtutuloy pa ang
buhay?
Ito ang mga naisip ng tao na
pwedeng nangyayari pagkatapos ng kamatayan:
(1) Ipapanganak ka ulit sa ibang
pagkatao, o kaya mabubuhay ka bilang hayop o bagay. Tapos mamamatay ka ulit. Tapos ipapanganak ka ulit. Tapos mamamatay ka ulit... Paulit-ulit lang
hanggang magkaroon ka ng kaliwanagan at magiging parte ka na ng daigdig.
(2) Magiging multo ka, o maglalakbay
sa kadiliman.
(3) O baka naman titingnan kung
gaano kabait ka nung buhay ka pa. At
kung mas matimbang yung mga nagawa mong maganda kaysa sa mga masama mong
nagawa, panalo ka!
Ito nga lang ang problema: Kung buhay ka pa, hindi mo masisiguro kung
ano talaga ang mangyayari--PWERA NA LANG KUNG MAY TAONG NAMATAY TAPOS NABUHAY
ULIT PARA SABIHIN SA ATIN KUNG ANO ANG TOTOO.
Sabi ng mga naniniwala kay
Hesus, yun mismo ang ginawa Niya. Kung
totoo 'yan, Siya lang ang pwedeng magpakita sa atin ng maliwanag na mangyayari
'pag namatay tayo.
Sabi ni Hesus, mayroong langit,
pero sabi rin Niya may impyerno. Ano
ngayon? Importante ang desisyon mo kung
maniniwala ka dito, dahil dito mo lang masasagot kung handa ka na sa kamatayan,
base sa kung ano ang pinaniniwalaan mo.
Walang nakakaalam kung kelan
siya mamamatay. Pero pag tiningnan mo
yung iba-ibang konsepto kung ano ang pwedeng mangyari pagkatapos ay hindi
nagtutugma sa isa't isa. Magkakaiba
sila, nagsasalungatan. Kung tama yung
isa, ibig sabihin mali yung iba.
Alin ang tama?
Isa lang ang kakaiba: Si Hesukristo lang ang naging tao na nabuhay
ulit pagkatapos mamatay. Pero bakit Niya
ginawa ito? Kasi yun lang ang paraan
para makasiguro tayo na magkaroon ng buhay pagkatapos mamatay.
"Ngunit ang mga ito'y
nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Hesus ay ang Kristo, ang Anak
ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa Kaniyang
pangalan." - Juan 20:30
Gusto mo bang makasiguro sa
buhay na sinasabi ni Hesus?
BUHAY NA WALANG HANGGAN. BUHAY NA HINDI NAKASALALAY SA KABUTIHAN MO
PERO SA KABUTIHAN NIYA.
Handa ka na ba para sa buhay na
walang hanggan? Sigurado ka bang mayroon
ka nito sakaling mamamatay ka na?
PWEDE KANG MAGING HANDA.
Paano?
Ang tao natural na
makasalanan. Sabi sa Roma 3:23,
"Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa
kaluwalhatian ng Dios;"
Ang masaklap, yung kasalanan,
yan ang hadlang sa pagitan mo at ng Dios.
"Sapagkat ang kabayaran ng
kasalanan ay kamatayan," sabi sa Roma 6:23.
Yung kamatayan na yun ang
pagitan, ang hadlang.
Ang masaya, pwede ngang imbes na
kamatayan, buhay na walang hanggan.
Pag tinuloy mo yung Roma 6:23,
ito: "datapwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang
hanggan kay Kristo Hesus na Panginoon natin."
Yung kamatayan, parusa ng
kasalanan. Pero hindi mo kailangang
pagdusahan yung parusa na yun, dahil may nagbayad na dyan. Yun ang ginawa ni Hesus sa krus - binayaran
ang parusa sa kasalanan natin.
"Datapuwa't ipinagtagubilin
ng ios ang Kaniyang pag-ibig sa atin, na ang tayo'y mga makasalanan pa, si
Kristo ay namatay dahil sa atin," ang nakasulat sa Roma 5:8.
Hindi lang 'yon, pero may regalo
pa Siya para sa 'yo, 'yung buhay na walang hanggan.
Naniniwala ka ba dito? Gusto
mong kunin 'yung regalo na 'yun?
Ito ang sabi sa Roma 10:13,
"Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay
mangaliligtas."
Ibig sabihin, tatawag ka kasi
naniniwala ka at gusto mong maghanda sa kamatayan mo.
Ipanalangin mo ito (sa sarili
mong salita kung gusto mo, basta yung totoo lang sa puso mo):
"Mahal na Dios, salamat po
sa pagkakataon na manalangin sa iyo at sabihin sa iyo na may mga kasalanan
akong nagawa sa Inyo. Naintindihan ko po
na yung kasalanan ay ang hadlang sa akin at sa Inyo, at ito ay may parusang
kamatayan, kaya humihingi po ako ngayon ng tawad sa Inyo sa mga kasalanang
nagawa ko. Naniniwala po ako na si Hesus
ay namatay para sa akin, na Siya na ang nagbayad sa parusa ng mga kasalanan ko,
at Siya ang may dala ng regalo mo sa aking buhay na walang hanggan. Tinatanggap ko po si Hesukristo sa aking puso
bilang aking Tagapagligtas, at tinatanggap ko ang dala Niyang buhay na walang
hanggan. Maraming salamat po sa lahat ng
ito, sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen."
Juan 11:25
Nanalangin ka ba? Mag-email ka sa akin: rgsayson@gmail.com.
Gusto mo pang maunawan ito? Panoorin mo ito: "MABUTI KA BANGTAO?" sa https://www.youtube.com/watch?v=7F_Bbjfe4gE
MABUHAY KA!
(Based
on What Happens When I Die)
Comments
Post a Comment