Ano ang Mangyayari 'Pag Namatay Ka?
Bawat isa sa atin ay may araw ng kamatayan. Pero ano ang nangyayari 'pag namatay ang isang tao? Ang pagkamatay ba basta tapos na lang ang buhay mo? Yung katawan mo magiging alabok, tapos yun na yun? Tapos ang kwento? O may mangyayari pa pagkatapos mong mamatay? Ano kaya kung nagtutuloy pa ang buhay? Ito ang mga naisip ng tao na pwedeng nangyayari pagkatapos ng kamatayan: (1) Ipapanganak ka ulit sa ibang pagkatao, o kaya mabubuhay ka bilang hayop o bagay. Tapos mamamatay ka ulit. Tapos ipapanganak ka ulit. Tapos mamamatay ka ulit... Paulit-ulit lang hanggang magkaroon ka ng kaliwanagan at magiging parte ka na ng daigdig. (2) Magiging multo ka, o maglalakbay sa kadiliman. (3) O baka naman titingnan kung gaano kabait ka nung buhay ka pa. At kung mas matimbang yung mga nagawa mong maganda kaysa sa mga masama mong nagawa, panalo ka! Ito nga lang ang problema: Kung buhay ka pa, hindi mo masisiguro kung a...